Chili Garlic

By: DJ Arnel

Ingredients:
250 grams Siling labuyo
3 heads (3 buo) bawang
2 1/2 cup cooking oil (any oil)
1 tbsp. salt
1 teaspoon black pepper
2 tbsp. brown sugar
1 tbsp. oyster sauce (optional)
2 tbsp. vinegar


Instructions:
1. Tanggalin ang mga tangkay ng sili. Hugasan mabuti bago hiwain or iblender. Iblender or grind ang sili at bawang. Kung walang electric chopper, pwede gayatin ng pino.
2. Magpainit ng mantika sa kawali. Pag medyo mainit na ang mantika, ilagay na ang sili at bawang. Lutuin sa medium heat for 15 minutes. Haluin maya't maya para di masunog at pantay ang pagkaluto.
3. After 15 minutes, ilagay na ang salt, pepper, sugar at oyster sauce. Haluin mabuti. then, saka ilagay ang suka. Wag muna haluin for 2 minutes. After 2 minutes, pwede na haluin. Lutuin pa ng another 15 to 20 minutes gamit ang low heat.
4. Pag okay na, alisin na sa apoy at palamigin completely bago ilagay sa mga lalagyan.

Source: https://www.facebook.com/atengkusinera