"Lagyan ng asukal ang dila kapag nakakain ng sili o maanghang ang pagkain." - DJ Arnel
"Iwasang magsuot ng itim sa gabi lalo na kung tatawid, magbabyahe ng nakamotor o bike, o maglalakad sa gilid ng highway. Hindi agad napapansin ng isang mabilis na motorista ang itim na kulay sa malayo kaya kadalasan na nagiging mitsa ito ng aksidente." - DJ Arnel
"Lagyan ng kaunting chlorox ang arinola para hindi siya pumanghi." - DJ Arnel
"Huwag itapon ang tangkay ng alugbati . Itanim ito sa lupa at siguradong tutubo ito at lalago." - DJ Arnel
"Uminom ng 1 basong tubig o gatas bago matulog. " - DJ Arnel
"Pagkatapos mag videoke, buksan ang mic at linisin ang foam. Makakapagprevent ito ng bacteria at mawawala ang amoy. Lagyan din ng alcohol pagkatapos para sa protection at para bumango." - DJ Arnel
"Ihiga ang walis ting-ting para mas mabilis makawalis sa labas. Mas epektibo ito sa mga maliliit na basura gaya ng mga dahon o bulaklak ng mangga." - Arnel
"Kung gusto mo malasing agad, magpulutan ka ng tinapay. Pandesal kung gusto mo. Aabsorb nito ang alcohol sa tiyan mo at hindi mo agad maiihi." - DJ Arnel
"Patayin lahat ng ilaw para makatulog ng maaga ang mga bata sa kwarto. " - Arnel
"Malalaman mo kung luto o hindi ang itlog sa pagpapaikot nito. Kapag pinaikot at mabilis ang galaw, ito ay luto. " - Misho
"Kapag may 2 baso na nagstuckup : 1. Ang nasa itaas na baso ay lagyan ng mga yelo o ice cubes at tubig. 2. Ang nasa ibaba o labas na baso naman ay ilubog sa tabo na may mainit na tubig. Dahan dahan alisin ang pagstuck. Done! " - DJ_Arnel
"Ang itlog na pwede pa lutuin ay malalaman sa pamamagitan ng tubig. Ilubog ito sa 1 timbang tubig. Pag lumubog ay pwede pa. Ang mga lumutang ay itapon na." - Lorie