YTTERS Vision and Mission

Dati ang mission ng YTTERS ay ang magkaroon ng samahan sa net, specially para doon sa mga Yahoo Chatters na nakabase sa Pinoy Chat 16.

Ang vision naman ng YTTERS ay ang makita ang mga members nito na nasa magandang buhay at maging daan ang ating clan o website para sa kanilang komunikasyon, Online Community Site atbp.

Naging maganda naman ang resulta mula sa 5 magkakapitbahay na miyembro ay umabot ito ng 7,000+. Naging kilala ng YTTERS Website sa mga pamboot, mp3, softwares, Eye Ball (EB) Photo Galleries at iba pa. Nakakatuwa isipin pero wala pang Facebook noon. Friendster pa. Wala ding mga touch screen cellphone. Nokia pa noon ang uso. Pero mabilis ang teknolohiya, may mawawala at may papalit. Nawala ang Friendster, napalitan naman ng Facebook, nabawasan ang popularidad ng Nokia pero nariyan naman ang Android at iPhone. Nawala ang Yahoo Chat at iyon ang masaklap. Wala pang magandang napalit doon. Message mo ako kung meron ka nakita at doon tayo pupunta.

Syempre ganoon din sa YTTERS na mahigit 15 taon nang naglilingkod sa inyo. Nawala ang mahal nating Lady Founder na si Zen at ang magaling at mahusay na EB Coordinator na si Jazly na gumawa ng EB na may 300+ na tao ang umattend. Alam natin lalo na sa mga Members na naging mahalaga na sa parte ng ating kabataan ang YTTERS. Mga masasayang ala-ala, mga kalokohan, inuman, kulitan, mga ka-career kung tawagin, anupat may mga miyembro pa nga na nagkatuluyan at nagka-anak.

Dahil dito, minabuti ko na ipagpatuloy ang website at ang grupo. May sponsor o wala ay pilit kong gagawin na maging online ang ating YTTERS Portal.

Kung hanggang saan ay syempre hanggat may budget ako. Hindi naman kasi biro ang mag-abono ka ng Domain Name at Web Hosting taon-taon.

Pero huwag kayo mag-alala, lahat naman ng paraan ay ginagawa ko para mai-up ang website. Tungkol namman sa codes nito, pilit ko na inuupgrade sa latest technology ang ating source code. Mula sa simpleng HTML hanggang sa magkaroon at magpapalit-palit na ito ng Framework. Lahat ito code ko kaya pasensya na kung medyo may katagalan ang updates.

Sa mga gusto mag-sponsor o magdonate, welcome po kayo at popost natin sa sponsor page ang name o business nyo kung gusto nyo. Sa ngayon kasi ay wala pa tayong sponsor habang ginagawa ko ito. Ayaw ko naman po na hingan ng pera o anumang salapi ang ating member at para sa akin ay mas maganda ang kusang-loob at natulong kaysa sapilitang nahingi o pinagbabayad sila. Syempre sa mga mag-ssponsor o magdodonate, anumang sobra ay gagamitin nating pondo para sa EB, sa mga member na nagoospital o mga mahal nila na naoospital gaya ng asawa nila o anak, sa mga namamatayan ay magbibigay din tayo ng abuloy. Natural hindi lang yan dahil may mga member din tayo na nakaranas masunugan, maperhuwisyo ng kalamidad gaya ng bagyo at lindol.

Kaya para sa kabuuan nitong ating vision, simple lang.. hanggat kaya ko at kung may pera pa ako, hindi ako papayag na mawala ang YTTERS.

Ang vision ng YTTERS ay ang makita ang mga members nito na nasa magandang buhay at maging daan ang ating clan o website para sa kanilang komunikasyon, Online Community Site atbp.